Answer:
Ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan ay nagpapatupad ito ng batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan, kalalakihan at lgbtq+. Pinaparusahan ang sinumang napatunayang lumabag dito. Nagkakaroon din ng mga programa na sumusuporta sa kanila. Nagbibigay ng job fairs at iba. Nagkakaroon din ng seminars at forums para sa karagdagang kaalaman.
Bukod sa mga nabanggit, ang mga mamamayan din ay aktibong nakikiisa sa pamahalaan sa paglaban sa mga karahasan. Ang anumang karahasan, verbal man o pisikal, ay mayroong katapat na parusa. Ito ay upang maproteksyunan ang karapatan at pagkatao ng bawat mamamayan. Bukod dito, mayroon ding support groups at mga kilos protesta na isinasagawa ang mga mamamayan upang mas lalong lumakas ang boses nila laban sa anumang uri ng karahasan.