Sagot :
Ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad ay nakadepende sa konteksto. Sa unang tingin waring parehas lang ang kahulugan. Ang pagsulong o growth ay tumutukoy sa proseso ng pagbabago sa ekonomiya. Ang proseso ng pagsulong ay mabilis masukat. Samantala ang pag-unlad o development ay tumutukoy naman sa kabuuang pagbabago. Kasama nito ang pag-unlad ng ekonomiya, politika at kultura.
Pagsulong Sa Ekonomiya
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagsulong sa ekonomiya:
- Pagkakaroon ng mga mga modernong gusali
- Pagkakaroon ng mga magagandang sasakyan
- Pagkakaroon ng modernong mga ospital
- Pagkakaroon ng modernong mga pampublikong sasakyan
- Pagkakaroon ng magagandang kalsada
Pag-unlad Sa Ekonomiya
Ang pag-unlad ay pang kalahatan at madaming aspeto ang saklaw. Ang mga sumusunod ay ang mga nagpapakita ng pag-unlad sa ekonomiya:
- Pagkakapantay pantay ng mga tao
- Pag buti ng sekyuridad sa bansa
- Pagtaas ng dignidad ng mga tao sa bansa
- Pagbuti ng political na kalagayan sa bansa
- Pagbuti ng kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan
Ang pagsulong at pagunlad ay magkaugnay. Ang iba pang opinyon ay nasa ibaba:
Pagkakaiba at pagkakatulad ng pagsulong at pagunlad: https://brainly.ph/question/519078
Ano ang pagkakaiba ng pagsulong at pagunlad: https://brainly.ph/question/511445
#BetterWithBrainly