akrostik ng salitang panitikan

Sagot :

Answer:

P- pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba ang mga tema ng mga sulating pampanitikan.

A - Ang ating panitikan ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Rizal at Bonifacio, na nagbibigay inspirasyon sa buhay ng tao.

N - Nagagwa nilang mga obra'y, pangworld-class ang datingan na talagang nakakahalinang unawain at basahin at pakinggan.

I - Ilaw at tanglaw sa mga gagawin mong pagpapasya sa iyong buhay.

T - "Titik" ang pinagmulan ng salitang panitikan na tanglaw sa ating bawat kaisipan.

I - Ipinagmamalaki natin ang ating sariling panitikan tulad ng pagmamahal sa ating sariling bayan.

K - Kaisipan na dapat mahubog sa bawat kabataan para mas malinang ang kanilang katalinuhan.

A - Akdang may taglay na kayamanang diwa at magpapalawak at magpapalawak ng kaalaman at karanasan sa lipunan at sa pagharap sa hamon ng buhay.

N - Nagsisilbing gabay sa buhay ng bawat tao.

Ano ang Panitikan?

  • Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang layunin.
  • Ang mga layunin nito ay para maipakita ang relidad at katotohanan; at makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.
  • Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:

Iba pang Kahulugan ng Panitikan: brainly.ph/question/122170

Dalawang Uri ng Panitikan: brainly.ph/question/121203

#BetterWithBrainly