ano ang makatotohanang sining at Di makatoohanang sining

Sagot :


Ang Makatotohanang istilo ay halaw sa tunay na pangyayari at bagay sa paligid kung kayat madali itong makikilala ng mga tumitingin. Detalyado ang mga elemento na ginamit at maituturing na konserbatibong sining.
Modernong sining ang ibang tawag sa sining na may Di-Makatotohanang istilo. Ito ay inilalarawan sa pinakapayak na paraan at malikhaing ginamit ang mga elemento ng sining. Ito ay kadalasan abstrak at nangangailangan ng mas malalim na pang-unawa upang mas maintindihan.