Ano ang sosyalismo? Ano ang komunismo? Kung minsan nakakalimutan natin na hindi alam ng lahat ang basics. Masyadong naputikan ng rebisyunismo ang tubig. Linawin natin ito.Alisin muna natin ang mga malinaw na miskonsepsyon. Sa kabila ng lahat ng ingay ng mga paranoid na pasista, si Obama ay hindi isang sosyalista o isang komunista. At saka, ang mga sosyal demokrasyang Europeo ay hindi sosyalista o komunista. Iyong mga nagsasabing sosyalista o komunista ang Sweden, France, o si Obama ay hindi lang talaga nila alam ang kanilang sinasabi.Sa katunayan, walang mga lipunang sosyalista ngayon. Hindi sosyalista ang Cuba. Hindi sosyalista ang Venezuela. Hindi sosyalista ang Iran. Hindi sosyalista ang Byetnam. Hindi sosyalista ang Tsina. Hindi sosyalista ang Libya. Hindi sosyalista ang Hilagang Korea. Ang mga lipunang ito’y maaaring may mga tiyak na katangiang may kaugnayan sa tunay na sosyalismo, pero hindi ibig sabihin na, dahil lamang dito ay, sosyalista na sila. Wala talagang mga lipunang sosyalista ngayon.