Sa araling ito ay aalamin at pag-aaralan mo ang paksang Pangarap at Mithiin. Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang makahihinuha na ang mga pangarap ay batayan ng pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay. Inaasahan rin na ikaw ay makapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap. Sa huli, ikaw ay inaasahang makapaglalapat ng pansariling plano sa pagbibigay katuparan sa sariling mga pangarap at natataya ang ginawang paglalapat nito. Sa puntong ito ng iyong buhay, ikaw ba ay may pangarap at mithiin? Naranasan mo na bang magpantasya at managinip? May pagkakaiba- iba ba ang panaginip, pantasya, at pangarap? Pag-aralan mo ang mga larawan sa ibaba. Subukan mong tukuyin alin sa bawat hanay ang PANAGINIP, PANTASYA at PANGARAP. kung