Sagot :
Answer:
1. DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT ( DILG)
- Ito ang pangunahing tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan.
- Pinapanatili rin nito ang seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan.
- Ito rin ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
2. DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE ( DND)
- Ito ay ang departmentong tagapagpatupad ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatangol mula sa mga panlabas at pa loob na panganib sa kapayapaan at seguridad sa pilipinas.
- Mayroon itong kakayanang mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ( AFP).
3. DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS ( DFA)
- Ito ay isang kagawaran tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkuling mamahala sa pagpapabuti ng ugnayan ng Pilipinas sa iba't ibang bansa.
- Ito rin ang nangangasiwa sa nga gawain ng mga embahador ng Pilipinas sa iba't ibang bansa at sa ibang pang daigdigang samahan.
- Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng Pilipinas sa iba't ibang bansa.
4. DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCE ( DENR)
- Ito ay ang departamentong tagapagpatupad ng pamahalaan ng Pilipinas.
- Sila rin ang responsable sa pagkontrol at pamamahala ng eksplorasyon, pagpapaunlad at maayos na paggamit at pananatili ng likas na yaman ng bansang Pilipinas.
5. DEPARTMENT OF JUSTICE ( DOJ)
- Ito ay isang departamentong tagapagpatupad ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpatupad ng mga batas ng Pilipinas.
- Sa kasalukuyan ito ay pinamumunuan ni Menardo Guevarra simula sa taong 2018.