B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa pagsusuri ng isang pelikula. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang ibig sabihin ng pagsusuri ng isang pelikula? Bakit ito mahalaga? 2. Ano-ano ang mga elemento na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng mga tauhan sa isang pelikula? 3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga elementong tulad ng kuwento, tema, pamagat, tauhan, diyalogo, cinematography, at iba pang aspektong teknikal sa pagsusuri sa mga tauhan ng maikling pelikula? 4. Alin sa mga elementong nabanggit ang masasabi mong pinakamahalaga? Bakit? 5. Paano makatutulong sa pag-unlad ng pelikula ang pagsusuri sa mga elemento ng maikling pelikula?