Nabibigyang-kahulugan ang mga piling salita na di lantad ang kahulugan batay sa pagkakagamit sa pangungusap

A. Unawaing mabuti ang mga salitang sinalungguhitan. Ibigay ang kahulugan ng piling salitang di lantad batay sa pagkakagamit sa pangungusap.

1. Nagsukab man ang iyong pagmamahal sa akin ay ikaw pa rin ang aking mamahalin kailanman.

2. Huwag mo sanang danasin sa esposo mong hindi mo naman katipan ang sakit na aking naranasan.

3. Bingi ang iyong puso sa panambitan na kanyang sinasabi.

4. Natututuhan ang mabubuting pagsunod mula sa mga palayaw ng ating ama.

5. Sampung buhay ko'y naging hilahil dahil kay Adolfong mandarambong.​