II. Tukuyin ang inilalarawang Hirarkiya ng Pagpapahalaga sa bawat pangungusap. Piliin ang letra ng inyong sagot sa nasa kahon sa ibaba. Isulat sa patlang ang letra ng inyong sagot.

A. Pandamdam
B. Pambuhay
C. Ispirituwal.
D. Banal na Pagpapahalaga

1. Itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga.
2. Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.
3. Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
4. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
5. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.
6. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa tao.
7. Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan.
8. Mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao,
9. Tumutugon sa pangangailangan ng katawan ng tao.
10. Pagtulong sa mga nangangailangan.
11. Pagiging tapat sa pagtupad sa tungkulin
12. Pagkakaroon ng masayang pananaw sa buhay.
13. Pagkakaroon ng kaalaman sa pakikipagkapwa.
14. Pagsunod sa mga itinuturo ng kabutihan ng pananampalataya.
15. Panatilihing maayos at masigla ang pangangatawan​