Sagot :
MGA PANANDANG ANAPORIK AT KATAPORIK NG PANGNGALAN
Ang pananda ay anapora kung sa isang pangungusap o teksto ay nauuna ang pangngalan. Sumusunod naman ang panghalip upang maiwasan ang pag-uulit ng katulad ng pangngalan. Ang pananda ay katapora kung sa isang pangungusap o teksto ay nauuna ang panghalip. Sumusunod naman ang pangngalag hinahalinhan. Sa pagsasama ng dalawa, naiiwasan ang paulit-ulit na paggamit sa katulad ng pangngalan.
Anaporik:
- Si Ma'am Emy ay isang mabait na guro. Siya ay gusto ng mga mag-aaral bilang guro. Si Ma'am Lea naman ay nagtuturo ng math subject. Siya ay magaling na guro pagdating sa math. Si Ma'am Emy at Ma'am Lea ang pinakamabait at magaling na guro. Sila ay hinahangaan ng mga bata.
Anaporik ito dahil: (1) Ma'am emy (pangngalan) -> siya (panghalip), (2) Ma'am Lea (pangngalan) -> siya (panghalip). (3) Ma'am Emy at ma'am Lea (pangngalan -> sila (panghalip).
Kataporik:
- Siya ay gusto ng mga mag-aaral bilang guro. Si ma'am Emy ay isang mabait na guro. Siya ay magaling na guro pagdating sa math. Si ma'am Lea naman ay nagtuturo ng math subject. Sila ay hinahangaan ng mga bata. Si ma'am Emy at ma'am Lea ang pinakamabait at magaling na guro.
Kataporik ito dahil: (1) Siya (panghalip) -> Ma'am Emy (pangngalan), (2) Siya (panghalip) -> Ma'am Lea (pangngalan), (3) Sila (panghalip) -> Ma'am Lea at ma'am Emy (panghalip).
Mahalaga ang paggamit ng Anapora at Katapora para hindi mahaba ang isang teksto o pahayag. Maiiwasan ang paulit-ulit na pagbabanggit ng mga pangngalan kung gagamitin ang anaporik at kataporik.