A. PAGTUTUKOY.Tukuyin kung anong uri ng pagpapahalaga at uri ng birtud ang ipinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot bago ang bilang 1. Si Melanie ay palaging nag-eehersisyo, kumakain ng mga preskong prutas at gulay at iniiiwasan niyang kumain ng mga matatamis na pagkain na pagkain upang manatiling malusog ang kaniyang pangangatawan. 2. Karaniwan sa mga Filipino ay naghahanda ng maraming pagkain tuwing may pista 3. Mas pinili pa rin ni Louie ang umiwas sa mga kaklase niyang nambubully sa kanya dahil alam niya na mas maganda ang maging mapagpakumbaba. 4. Nalilito si Marian kung saan siya mag-aaral sa susunod na pasukan kaya't naglaan siya ng sapat na panahon upang pag-isipan ito. 5. Si titser Juana ay tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin kaya't ibinibigay niya nang buong husay ang kaniyang pagtuturo sa mga mag-aaral sinuman o anuman ang katayuan nito sa buhay.