Sagot :
Answer:
iniwan ang bata sa bahay ang bata dahil siya ay makulit
Ito ang aking napiling larawan, sana ay magustuhan mo ito.
"Nasa huli ang pagsisisi"
SIMULA
Isang araw ay may batang lalaki na nagngangalang "Paul" siya ay isang bata na matigas ang ulo, at hindi nakikinig sa mga payo ng kanyang magulang, nang isang araw, ay napadaan siya sa bahay ng kanyang kaibigan na may dalang stick, nang makita niya ang isang aso na tumatahol ay nilalaro niya ito at pinagpapalo ng kanyang hawak. galit na galit na ang aso sa kanya. pagkatapos ay lumabas ang kanyang kaibigan at tinanong "anong ginagawa mo Paul!" ngumiti lamang siya.
GITNA
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakawala ang aso, pilit itong pinipigilan ni Nicole subalit malakas talaga ang aso, hanngang sa sinabihan niya si Paul na wag tatakbo ngunit hindi niya ito pinakinggan, sinunod niya parin ang gusto niya. hanggang sa ito nahabol ng aso dahil ito ay mas mabilis na tumakbo kaysa sa kanya ay biglang nakagat ng aso si Paul,
WAKAS
Siya ay napaiyak at sinabihan siya ng kanyang kaibigan, sabi niya "Hindi ba sabi ko saiyo, wag kang tatakbo? pero anong ginawa mo?" nagsalita si Paul, ang sakit ng paa ko, patawad, hindi ko naman inasahan na ganito ang mangyayari. patawad sa susunod ay lagi nakong makikinig sa aking magulang at sa iyo para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon. patawad talaga, hindi kona uulitin ito. at hanggang sa huli ay nakikinig na siya sa mga payo ng kanyang magulang at kaibigan.
#CarryOnLearning