Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap.

1. Ang edukasyon ng mga Pilipino noon ay hindi angkop sa papasukang hanapbuhay matapos ang digmaan. 2. Maraming Pilipino noon ang walang palagiang hanapbuhay dulot ng digmaan.

3. Dahil sa digmaan maging ang mga magsasakang Pilipino ay nawalan ng lupang masasaka. 4. Kulang ang mga Pilipino sa mga kasanayang kinakailangan sa mga gawaing nais nilang pasukan.

5. May mga paraang ginawa ang pamahalaan upang mapabuti ang kabuhayan ng bansa.

6. Ang pamahalaan ay namahagi ng lupa sa mga maliliit na magsasaka. 7. Nagkaroon ng batas tungkol sa reporma sa lupa.

8. Nabigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga magsasaka.

9. Pinabuti ang sistema ng edukasyon.

10. Binigyan ng pansin ang pagtuturo ng mga kursong bokasyonal.

11. Isinawalang bahala ang pagtuturo ng mga kursong teknikal.

12. Binigyan ng pansin ang pagtuturo ng mga kagandahang-asal.

13. Binigyan ng pansin ang pagtuturo ng pagmamahal sa kulturang Pilipino.

14. Napabuti ang lagay ng mga Pilipino sa Ikatlong Republika. 15. Hindi nasiyahan ang mga Pilipino sa mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan