Bago ka magpatuloy sa ating aralin, subukin ang iyong paunang kaalaman sa pagkilala ng mga pangunahin at pantulong na kaisipan mula sa mga siping teksto. Isulat ang pangunahing paksa ng mga talata sa bawat bilang. Gamiting gabay ang unang halimbawa sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang ilang Pilipino ay naniniwala sa mga bagay na di nakikita sa ating paligid katulad ng duwende, engkanto at iba pa. Sinasabing nagmula ang ganitong paniniwala sa ating mga ninuno. 2. Ang mga alamat sa Luzon ay sinasabing nagmula sa mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino. Ito ay nadala nila hanggang sa kasalukuyan dahil sa walang katapusang pagpapasa-pasa nito. 3. Naniniwala ang mga taga-Marikina sa isang alamat na pinagmulan umano ng lugar na ito. Ito ay pinaniniwalaang nanggaling sa babaeng may taglay na rikit at kabutihan kaya marami ang nahuhumaling. Siya ang babaeng si Marikit-na. 4. Makulay ang kulutura at tradisyon ng mga taga-Luzon dahil na rin sa magandang pamana na nagmula pa sa mga ninuno nito. Nariyan ang mga magagarbong pista, magagandang pasyalan, kakaibang paggiliw ng mga tao at taimtim na pananampalataya. 5. Ang pagpapahalaga sa panitikan ng mga taga-Luzon ay tanda rin ng makulay na kultura at tradisyon nito. Ang mga panitikan ay nagsisilbing patotoo sa sinaunang pamumuhay mayroon ang mga ninuno nito. Patuloy na pinahahalagahan sa pamamagitan ng pagbabasa, paglikha at pagpapalaganap.
paki ayos Po Yung sagot kailagang ko lang Po nagyon