magbigay ng aral ng "ANG BERBANYA"​

Sagot :

Answer and Explanation:

BUOD

Mayroon isang kaharian na tinatawagang Berbanya. Ang hari ay si Don Fernando at ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Si Don Fernando ay isang hari na hinahangaan ng ibang mga hari dahil masagana ang Berbanya at nagbibigay siya ng katarungan sa mga tao. Sina Don Fernando at Donya Valeriana ay mayroong tatlong anak, sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Si Don Pedro ang panganay at siya’y may kainaman na postura at susunod si Don Diego na mahinhin. Ang bunso’y si Don Juan. Malambot ang kanyang puso kaya pinangalanan siyang Sumikat na Isang Araw ng hari. Mahal na mahal ng hari at reyna si Don Juan. Isang araw, ipinatawag ni Don Fernando ang kanyang tatlong anak para tanungin sa kanila kung nais ba nilang maging pari or hari at lahat naman sila’y tumugon na gusto nila maging hari. Ipinagsanay ang tatlong anak sa paggamit ng sandata at sulit naman ang kanilang pagsasanay dahil pagkatapos ay kung ihagkis ang sandata, parang kidlat na. Ang mga hangad ng hari ay natupad.  Ang kaharian ay mas lalo pang umunlad at ito’y mas tumibay pa at lahat sila’y masayang-masaya hanggang isang gabi, mayroong napanaginipan ang hari. Ang panaginip ay tungkol kay Don Juan kung saan siya’y pinagtaksilan at pinatay ng dalawang masamang tao at pagkatapos ay inihulog si Don Juan sa isang balong. Pagkagising ni Don Fernando, nararamdaman na niya ang kalungkutan at paghihrap. Nanghina ang hari at mas lalo pang lumubha ang kanyang karamdaman kaya’y nagpatawag sila ng mediko ngunit hindi makuha ang sanhi ng kanyang karamdaman. May isang manggagamot na dumating at ayon sa kanya, nagmula ang sakit sa isang masamang panaginip at upang gumaling ang hari, kailangan niya ang awit ng Ibong Adarna. Matatagpuan ang Ibong Adarna sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Inutusan ang panganay na si Don Pedro para kunin ang lunas ng sakit ng hari, ang Ibong Adarna.

KAHALAGAHAN NG KABANATA

Ang Kabanata 2 ay mahalaga dahil dito’y ipinapakilala ang mga iba’t ibang karakter na nasa Kaharian ng Berbanya. Ang mga taong ipinakilala sa kabanata ay ilan lamang sa mga iba’t ibang tauhan na naging importante sa pakikibahagi sa buong kwento. Ang ibang mga tauhan ay makikila sa mga susunod na kabanata. Mahalaga rin itong saknong dahil ipinapakita na ang pinakaproblema ng korido, ang dahilan kung bakit ang pamagat ng korido ay Ibong Adarna. Itong problema rin ang nagsimula ng mga iba’t ibang pangyayari sa kwento.

PAGSUSURI SA KABANATA

Mahahalagang Saknong

Saknong 9 – 10 – Bawat utos na balakin

Kaya lamang pairalin

Kung kanya nang napaglining

Na sa bayan ay magaling

Kaya bawat kamalian,

Na sa kanya’y ipagsakdal

Bago bigyang kahatula’y

Nililimi sa katwiran

Mahahalaga ang mga saknong na ito dahil dito’y makikita natin na si Don Fernando ay isang haring sapat o isang haring na nakikinig sa mga tao. Makikita natin na isang mabuting hari si Don Fernando dahil mayroong katarungan ang kanyang mga gawain kagaya na lang ibinanggit na bagong parusahan ang tao dahil sa kanyang kamalian, iniisip muna niya nang mabuti kung tama ba ang gagawin niya o hindi.