Panuto: Tukuyin ang mga wasto at di-wastong paggamit ng mga gamot. Iguhit ang kung naglalarawan ng wastong pag-inom ng gamot at naman kung di-wastong paggamit ng gamot. 1. Gumamit ng tamang panukat sa pag-inom ng gamot para di- masobrahan ang dami. 2. Iniinom ang gamot ng mas marami kaysa sa itinakdang sukat upang mas mabilis na gumaling sa sakit. 3. Natatakot si Mila na kumonsulta sa doktor kaya nakinig at ininom niya ang nirekomendang gamot ng kapitbahay. 4. Masama ang pakiramdam ni Antonio, kaya kumuha siya ng gamot sa medicine cabinet at ininom niya ito ng hindi binabasa. 5. Basahin at sundin ang reseta ng doktor bago uminom ng gamot.