Explanation:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: (30 puntos) Panuto: Punan ang loob ng kahon ayon sa hinihiling. Nasa ibaba ng bawat panloob na salik ang kahulugan ng bawat salita upang mas lalo mo itong maunawaan. PANLOOB NA SALIK NA NAKATIMPLUWENSIYA SA PAGHUBOG NG MGA PAGPAPAHALAGA Ibahagi ang iyong mga karanasan. Ano rin ang mga bagay na iyong ginawa upang maipakita mo ang tamang pagpapasiya? Halimbawa: Konsensya Kumuha ako ng pera sa pitaka ng aking tatay, ngunit dahil sa aking konsensya ay ibinalik ko na lamang ito at hindi ko na inulit ang masamang gawain dahil ito ay isang uri ng pagnanakaw. Nagpapaalam na rin ako sa aking tatay sa tuwing ako ay nangangailan ng pera. 1. Konsensiya (alam kung ano ang tama at mali) 2. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan (ginagamit sa tamang paraan ang ibinigay sa ating ng Diyos na kalayaan dahil laging may limitasyon an gating kalayaan, maging responsable) 3. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama (lagi nating iniisip muna ang mga bagay-bagay bago natin ito isagawa, iniwasan din natin ang mga maling gawain)