14. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat kinabukasan nguni't nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo. A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke. B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan. C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase. 15. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo. Pinupunasan mo ang plorera nang dumulas ito sa iyong mga kamay at nabasag. A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid. B. Itatago sa likod bahay ng hindi mapansin ni nanay. C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng paumanhin. 16. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam mong marami pang bata ang gagamit dito. A. Susuntukin ko ang pinsan ko. B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa guro. C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro. 17. Sumuot sa butas ng bakod ng kapitbahay ang alagang tuta ng kapatid mo. Nakiusap siya sa iyo na kuhanin mo ito. A. Hindi ko siya papansinin. B. Hahayaan kong ang kapatid ko ang kumuha sa lumipat na aso. C. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso. 18. Nag lakbay aral ang inyong klase sa Rizal Park. Kakain na kayo ng tanghalian ng mapansin mong hindi mo nailagay ang kutsara at tinidor sa lalagyan mo ng baon. A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain. B. Itatago ko na lamang ang aking baon. C. Hihintayin matapos kumain ang kamag-aral at manghihiram ng kutsara. 19. Nakalimutan mong kunin sa kamag-aral mo ang aklat sa TLE, naroon ang mga paraan para sa gagawin mong proyekto. A. Kukuha ako ng aklat sa silid ng walang paalam. B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno. C. Sisisihin ko ang aking kamag-aral. 20. Ikaw ang nakatokang magluto sa araw na iyon. Inayos mo na ang lulutuin mong paksiw. Narinig mong tinatawag ka ng iyong Tatay kaya't nagmamadali mong isinalang ang kaserola. Hindi mo pala nabuksan ang kalan. A. Babalik ako sa kusina at bubuksan ang kalan. B. Hahayaan mo na lamang na si Nanay ang magbukas ng kalan. C. Sasabihing inakalang bukas ang kalan.​

Sagot :

Answer:

1 c

2a

3d

4a

5a

6 b

7c

8c

9a

10 a

11b

12d

13d

14b

15a

16c

17c

18c

19a

20b

Answer:

B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maari pang sulatan.

B. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng paumanhin.

. B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa guro.

C. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso.

A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain.

B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno.

A. Babalik ako sa kusina at bubuksan ang kalan.