Score: 1. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paggalang sa karapatang pantao, opinyon, at ideya ng iba at MALI naman kung hindi. 1. Binalewala ng tatay ni Sandie ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa sa gagawing programa sa mga nakikipag-away sa kanilang lugar. 2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Glenda na magbantay sa checkpoint para pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa kalapit na lugar. 3. Nakita ni Jean na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid at hinayaan niya lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa kaniya. 4. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan ang ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto. 5. Hinikayat ni Gng. Santos ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at opinyon ng kanilang kapwa. uli 6. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas ng kamay at nagbigay ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay Assembly. 7. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng kaniyang mga kagawad tungkol sa nalalapit na kapistahan. 8. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Brenda sa kaniyang kapitbahay tungkol sa mga tuyong dahon sa kaniyang bakuran. 9. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo Narding na umalis ng gabi 20. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang karapatan ng iba​