2. Pagsasanay/ Aktibidad A. Panuto: Sa Pamamagitan ng Graphic Organizer, tukuyin at isulat ang mga impormasyong hinihingi mula sa iyong mga napag-alaman sa aklat at sa link. Kopyahin ang gawain sa sagutang papel at punan ng mga sagot, May halimbawang ibinigay para sundin mo.
1.Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura Kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito
Halimbawa: Ipinagbabawal ang mga babasahing tumutuligsa sa kalupitan ng mga Kastila.
2. Pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
Halimbawa: Mailahad ang mga kaapihan at kawalang katarungang naranasan niya sa lipunan
3.Epekto ng akda pagkatapos itong isulat Halimbawa: Nagbuklod sa mga Pilipino para labanan ang pang- aapi ng mga mananakop.​


Sagot :

Answer:

  1. Kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat. Sa panahong ito mahigpit na ipinatutupad at ipinagbabawal ang mga babasahin at palabas na tumutulig sa mga mananakop. Mahigpit ang pamamahala ng mga Espanyol sa bansa.
  2. (Pagtukoy) Layunin ng pagsulat ng akda Ilan sa mga layunin ni Baltazar kung bakit niya naisulat ang akda ay una. Paghihimagsik laban sa malupit na pamahalaan ng Espanyol, pangalawa ay ang kaniyang paghihimagsik laban sa mga maling kaugalian, at pang-apat paghihimagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
  3. Epekto ng akda pagkatapos itong isulat— Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga karaniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino.

Explanation:

  • sana po nakatulong><