Panuto: Iguhit sa sa patlang ang isinasaad ng pangungusap at MASAYANG mukha kung wasto ang MALUNGKOT na mukha kung hindi wasto.
1. Mabuti ang naidulot ng Programang Green Revolution ni Pangulong Marcos para sa pagpapaunlad ng agrikultura ng bansa.
2. Tinaguriang “The infrastructure Man" si Pangulong Marcos dahil pagpapagawa ng mga imprastruktura gaya ng mga kalsada, tulay, patubig, paaralan, LRT, at iba pa.
3. Sina Marcos at Fernando Lopez ang kauna unahang pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas na nanumpa sa tungkulin sa Wikang Pilipino.
4. Sa panunungkulan ni Pangulong Marcos naitatag ng IRRI o International Rice Research Institute.
5. Sa Saligang-Batas ng 1935 ay nasasaad na maaaring maihalal ng 2 termino ang pangulo ng bansa na may 4 na taon bawat isang termino.
6. Dahil sa mga nagawa niya para sa bayan tinawag na "Kampeon ng Masa" si Pangulong Ferdinand E. Marcos.
7. Isinulong ang pag-angkin ng teritoryo ng Sabah sa panunungkulan ni pangulong Ferdinand E. Marcos.
8. Gumanda ang pambansang kabuhayan sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.
9. Sunod-sunod ang mga welga at demonstrayo na isinagawa ng mga mag-aaral at manggagawa, bunsod ng lumalalang krisis pangkabuhayan.
10. Sa pagnanais na wakasan ang umiiral na tunggalian sa pagitan ng mga Muslim, humingi ng tulong si Pangulong Marcos sa iba pang bansang Muslim.