ga Isagawa a m Panuto: Basahin ang sulatin at pagkatapos sagutin ang mga katanungan. Bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ang paglilibang. Kailangan ito ng ating katawan at isipan upang makapagpahinga sa maghapong pag-aaral o paggawa. Maraming paraan ng paglilibang. May mga paglilibang na para sa ating isipan tulad ng pagbabasa, chess, iskrabol, at bugtungan. Mayroon ding para sa pagpapalakas ng katawan tulad ng paglangoy, basketbol, tennis, sipa, balibol, bowling at iba pa. May libangan din na nakabubuti sa damdamin tulad ng panonood ng sine, pamamasyal, panonood ng TV, at pakikinig sa mga tugtugin. Sa mga ganitong paglilibang, nararapat lamang ang katamtamang haba ng panahon. Ang labis na paglilibang ay nakasasama rin sa katawan at isipan. Ito ay naging bisyo na kung minsan ay mahirap na pigilin. Dapat na bigyan ng timbang na panahon ang paglilibang tulad ng paggawa. Kailangan ang talino sa pagpili at paggamit ng wastong oras ng paglilibang. Isiping ang paglilibang ay nangangailangan ng salapi, lakas, at panahon na hindi kailangang maging mabilis sa dapat na iukol dito. Ang paglilibang ay dapat makatulong sa pagbibigay ng kasiglahan sa katawhan na kailangan sa pag-aaral at paggawa. Sagutin: 1. Tungkol saan ang sulatin o sanaysay? 2. Anu-ano ang mga paglilibang para sa ating isipan? 3. Ano ang dapat gawin para hindi ito makasasama sa ating katawan? 4. Bakit mahalaga ang paglilibang sa ating katawan at isipan?