Answer:
Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw NA tradisyon ng mga taga-Africa.KAHIT sa simula ay negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya ang protagonista. KUNG susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga taga- Africa ay likas na tahimik SUBALIT malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga AT may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansin-pansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.
Explanation: