Answer:
Simoun
Si Simoun ay ang pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo. Ang pagpapakilala sa kanya ay ang isa sa mga binigyang - diin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nobela. Narito ang ilan lamang sa mga katangian ni Simoun:
isang maimpluwensiyang alahero (kabanata 1)
matalino sa pagbibigay ng kanyang saloobin ukol sa pagpapalalim ng Ilog Pasig. (kabanata 1)
mapanghamon (kabanata 2)
tahimik (kabanata 3)
may matalas na kaisipan (kabanata 7)
balat - kayo (kabanata 7)
magaling na negosyante (kabanata 10)
tuso (kabanata 16 at kabanata 28)
mapagkumbaba at may takot sa Diyos (kabanata 39)
Sa kabuuan, ang mga katangian ni Simoun ay masasabing tulad ng sa isang tipikal na taong nasaktan at nagnanais ng o uhaw sa hustisya. Nais niyang makaganti sa mga mapang - aping Prayle ngunit hindi niya ito kayang isakatupan mag - isa kaya't naghanap siya ng mga taong maaari niyang himukin na siya ay samahan sa pakikibaka
#LearnWithBrainly
#CarryOnLearning