Answer:
Ang Capiz ay isang unang klaseng lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Lungsod ng Roxas ang kabisera nito at matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Pulo ng Panay, pinapaligiran ng Aklan at Antique sa kanluran, at Iloilo sa timog. Nakaharap ang Capiz sa Dagat Sibuyan sa hilaga.