FILIPINO Ang pangangatwiran o argumento ay isang pagpapahayag ng nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap or kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. A. Panuto: Pag-aralan ang bawat pahayag. Pillin ang letra ng tamang sagot na nagbibigay ng tamang argumentasyon sa pahayag na nailahad. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang 1. Maynila at Manila Water may bawas singil sa Enero A. Tama lamang na bumaba ito dahil marami ng mga mahihirap na naghihikahos sa buhay. B. Malaking tulong ito sa mahihirap lalo na't kinakapos sa pangangailangan. C. Makakabawas sa bayarin. D. Lahat ng nabanggit 2. Presyo ng bilihin tumaas matapos manalasa ang Bagyong Ulysses. A. Malaking perwisyo ang dulot nito sa mga mamimili at nagtitinda. B. Sinasamantala ang presyo ng mga tindero at tindera C. Malaking tulong sa mga mamimili D. Tataas ang mga pangangailangan _3. Face to face ipapatupad na! A. Maraming magulang ang maisasakatuparan ito upang maturuan ng lubusan ang mga bata B. Ang ilan ay nangangamba baka biglang lolobo ang bilang ng mahahawaan ng COVID-19 C. Tiyakin muna ang kaligtasan n nakararami lalo na't mga bata ang pinag-uusapan. D. Lahat ay tama. 4. Pagbibigay ng ayuda sa panahon ng pandemya. A. Pag-asa sa karamihang mamamayan lalo na sa mga nawalan ng hanapbuhay B. Maraming ruta ng pampasaherong sasakyan ay hindi pa pinahihintulutan. C. Singil sa tubig bumaba D. Pananalasa ng Bagyong Ulysses​