1. Dali-daling naghanda si Jose upang pumasok sa paaralan. Pagdating sa paaralan, agad siyang naglinis ng kanilang silid-aralan. Hindi nagtagal ay dumating si Bb. Barro na nakangiti sa kaniya. "Magandang umaga po!", magalang na bati niya. a. Ang Batang Mabait b. Ang Aking Guro C. Ang Aking Silid 2. Masama ang panahon kaya walang pasok. Naisip ng magkapatid na sina Samuel at Lita na tumulong na lang sa kanilang ina sa mga gawaing- bahay. Natuwa ang kanilang mga magulang. Kinabukasan, dinagdagan ng kanilang ama ang baon nila. a. Ang Magkapatid na Matulungin b. Mga Gawaing Bahay c. Walang pasok​