Mga Gawain Gawain 1.1 Ang paksa at pamagat ng teksto Ibigay ang angkop na paksa at pamagat ng tekstong iyong babasahin. . Iba-iba ang pinagkakaabalahan ngayon ng mga Pinoy up ng matanggal ang stress na dulot ng pandemya. Ang iba a, nagtanim ng mga halaman, nag-oonline selling, nagluluto at ibinebenta ang kanilang mga produkto at ang iba naman ay nahumaling sa paglalaro ng mga online games at panunuod ng mga palabas sa telebisyon 1. Ano ang pangunahing paksa? 2. Ano ang angkop na pamagat sa teksto? A. Pagkahilig sa Paghahalaman B. Pagkahilig sa iba't-ibang Gawain C. Ang Pinagkakaabalahan D. Ang mga Pantanggal Stress Sa tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre, maraming mga Pilipino na ang abalang namimili ng mga dekorasyon at palamuti para sa darating na pasko. Maririnig na rin nating ang iba't-ibang mga awiting pamasko saan mang lugar. Sa pagsapit ng Disyembre, kaliwa't kanan na ang mga naghahabol para sa pamimili ng regalo sa kanilang mga inaanak at mahal sa buhay. Tunay ngang iba ang diwa ng pasko sa ating bansa. 1. Ano ang pangunahing paksa? 2. Ano ang angkop na pamagat sa teksto? A, Buwan ng Setyembre B. Mga Gawain ng mga Pilipino C. Ang Diwa ng Pasko sa Ating Bansa D. Mga Awitin sa Pasko Isa sa mga ugaling nakasanayan na nating Pilipino ay ang pagiging magalang. Ang pagsasabi ng po at opo ay palagi nating itinuturo sa mga bata upang malaman nila ang kahalagahan ng paggalang sa mga nakatatanda. Alam naman natin na ang batang magalang ay kinagigiliwan ng mga tao kaya na lamang ganun ang pagpapahalaga natin sa kaugaliang ito. 1. Ano ang pangunahing paksa? 2.Ano ang angkop na pamagat sa teksto? A Ang pagiging Magalang B.Ang po at op C.Ang Paggalang sa Nakatatanda D.Ang Batang Magalang Gawain 17 Pagsasanay sa Pagtukoy sa Simuno at Panaguri



pag may nag answer ng maayos sana di kapa kunin ni hesus hehe​