Ano ang gusto mong katangian ng gobyerno ng Pilipinas?


Sagot :

Answer

1.Unang una sa lahat, nararapat lang na alam niya kung sino ang tunay na nakatataas sa lahat at ito ang Diyos Maykapal. Sa kanyang pamumuno, nawa’y katuwang niya ang Panginoon sapagkat siya ang gagabay sa lahat patungo sa  magandang buhay. Lahat ng gagawin niya ay magmumula sa salita at aral ng maykapal.

2.Ang isang pangulo ay dapat na may paninindigan. Isang pangulo na hindi hinahayaan ang kaniyang mga pangako ay mapako na lamang. Ang mga pangako na kanyang binibitawan ay inaasahan ng mga mamamayan. Ito ay dapat na isakatuparan upang ang mga mamamayan ay magtiwala sa kanya ng lubusan. Buong puso niyang tinatanggap ang responsibilidad at pakaingatan ang tiwalang binigay ng kanyang nasasakupan. Kung kaya’t umaasa ang lahat na maigagabay niya ang bansa tungo sa matuwid na daan.

3.Nararapat rin na dapat ay may mabuti siyang puso sa masa. Hindi lamang sa harap ng kamera niya pinapakita ang kabutihan ng kanyang puso kundi kahit wala ang mga ito. Mapagmahal sa kanyang tungkulin, bayan, at sa mga taong nasasakupan.

4.Bilang isang pangulo kailangan na siya ay matapat. Importante rin ang pagiging tapat niya sa kanyang mga kapwa bilang tao sapagkat sumasalamin ang kanyang tunay na kulay base sa mga binibitawan niyang salita. Hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa. Tungkulin niyang gamitin ang kaban ng bayan para sa ikauunlad ng bansa, hindi para ibulsa lamang ito. Dapat na hinahangad niya ang ikagiginhawa ng mga taong kanyang pinagsisilbihan at hindi ang pansariling kagustuhan nang kanyang iniisip.

5.Marapat na siya ay maunawain at matulungin, kung saan iniintindi hindi lamang ang isang parte ng problema kundi tinitingnan ang kabuoan nito. Ang pangulong bukas sa publiko at hindi pinipili ang mga taong tutulungan. Hindi nagbubulag-bulagan sa mga suliranin ng bansa at ang nangunguna sa paghahanap ng solusyon. Inaasahan na hindi lahat ay sang- ayon sa bawat desisyon na kanyang gagawin kaya’t marapat na bukas ang kanyang isipan ukol dito.

6.Importanteng malawak ang kanyang kaalaman sa pagpapalakad ng nasasakupan. Dapat na alam niya ang bawat bagay at pangyayari sa kanyang nasasakupan. Sa mga desisyong kanyang gagawin, nararapat na isaalang alang niya ang ikabubuti ng lahat. Makatutulong rin ang pakikinig sa opinyon ng sambayanan upang mas tumatag ang pagkakaisa ng gobyerno at  ng mamamayan. Ang mga kaalamang ito ay hindi nababase sa talino ng nasabing lider kundi sa mga estratehiyang angkop sa sitwasyong kinakaharap ng bansa. Tinitingnan niya bilang isang malaking larawan ang suliranin na dapat na agarang masolusyunan.

7.Ang huli at pinakaimportante sa lahat ay ang pagiging patas. Pantay ang pagtingin sa lahat anuman ang estado nila sa buhay. Babae, lalaki, bata, matanda, mayaman man o mahirap walang dapat paburan ang isang lider datapwat ay pareho ang pakikitungo niya sa bawat isa. Kahit sino o ano man tayo, pantay-pantay ang ating karapatan. Ang isang pangulo ay dapat na malaman na walang aangat sa batas pati ang kanyang sarili.

Explanation:

sana mak help thanks