GAWAIN 2 Panuto A: Ano-anong gawain natin ang sa tingin mo'y hindi makabubuti para sa ating kapaligiran? Magbigay ng (5) limang halimbawa. 1. 2. 3. 4. 5.​

Sagot :

Kapaligiran

Ang ating kapaligiran ay napakaimportante sa atin dahil ito ang ating mga pangunahing pangangailangan tulad ng Gamot, Pagkain, Inumin, Tirahan at marami pang iba. Ang ating kapaligiran din ay may mga magagandang tanawin at dahil dito dinadayo tayo ng mga tutista galing sa iba't ibang sulok ng mundo.

Mga Gawain na hindi makabubuti sa ating kapaligiran:

  1. Pagsunog ng mga plastik.
  2. Pagputol ng mga puno o deforestation.
  3. Pagtatapon ng mga basura sa ilog at dagat.
  4. Pagpapatag sa mga bulubundukin para gawing establisyemento.
  5. Pagmimina

Mahalaga na pangalagaan ang ating kapaligiran sapagkat nag iisa lamang ito at hindi na mapapalitan kung ito ay lubos na mapapabayaan, hindi ito tulad ng anumang bagay sa mundo na madaling palitan. Kung hindi natin ito pangangalagaan ang ating kapaligiran maaari itong mawala sa atin.

Kung masisira tuluyan ang ating kapaligiran, paniguradong malaki ang maging epekto nito sa atin dahil dito nakatuon ang ating mga pangunahing pamumuhay. Kaya bilang isang mamamayan na nakikinabang rito, responsibilidad natin na pangalagaan pahalagahan ito ng lahat ng ating makakaya.

#CarryOnLearning