b. ARTS: Panuto: Pagsunod sunurin ang mga hakbang sa pagbuo ng makasining dibuho gamit ang relief master o mold sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bilang 1 hanggang 10. 1. Kunin ang dalang karton na maaaring cardboard na nasa likod ng wong papel o kaya takip ng kahon ng sapatos o iba pang uri ng kahon 2. Gumuhit ng isang disenyong pangkat-etniko na ginamitan ng contrast sa karton 3. Gumamit ng kutsara upang ilapat ang papel sa bloke hanggang sa malipat nang pantay ang disenyo. 4. Takpan ng lumang dyaryo ang ibabaw ng mesa o lugar na gawaan upang hindi ito marumihan. 5. Gupitin ang bahaging disenyong ito at ayusin sa ibabaw ng isa pang karton 6. Lagyan ng pamagat ang iyong ginawang dibuho. 7. Idikit ang iba't ibang piraso na magsisilbing bloke. 8. Gamitin ang acrylic paint upang malagyan ng kulay ang dibuhong iyong ginawa. Maaari ring gumamit ng mga kulay na nagpapakita ng contrast 9. Ilagay ang papel sa ibabaw ng bloke. 10. Dahan-dahang tanggalin ang papel​