Sagot :
Answer:
ANG MGA MAAARING NAKAPALOOB NA BALITA SA RADYO AY
COVID19 update. Araw-araw ay ibinabalita sa radyo sa alinmang estasyon ang mga pangyayari na kaugnay ng Covid19 sapagkat ito ang pinakamainit na paksa ngayon. Lahat ay apektado at lahat ay dapat updated para maging ligtas. Kabilang dito ang bilang ng mga may sakit ng COVID at kung ilan ang mga gumaling at ilan ang mga nasawi.
Mga Krimen. Tumatalakay rin ang radyo tungkol sa mga krimen gaya ng pagnanakaw, panggagahasa, pananakit o pagpatay. Ito ay ginagawa upang maging maingat ang mga tao sa kanilang paligid at hindi basta basta magtiwala sa mga estranghero baka sila na ang mga kriminal na pinaghahanap.
Mga Sakuna. Sakunang gaya ng sunog, pagkalunod sa ilog at disgrasya sa kalsada ay laman din ng balita sa radyo. Ito ay nagsisilbing babala sa mga tao na mag-ingat upang huwag mapahamak.
Mga Bagong Batas at Panukala. Nagsasad din ang radyo ng mga batas at parusa upang malaman ng mga tao ang dapat gawin. Kalakip nito ang mga nararapat na pagsunod sa mga alituntunin upang hindi makapahamak ng iba at maiwas ang sarili sa pagkakakulong o multa.Kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga bilihin at pagtaas o pagbaba ng sweldo ng mga kawani ng gobyerno, ibinabalita rin ito sa radyo.
Paghahanap. Ibinabalita rin sa radyo kung may mga bagay o taong nawawala upang madaling mahanap ng mga may-ari. Ang mga ahensiyang naghahanap ng dagdag na kawani ay nagpapabalita rin sa radyo
Explanation:
pa brainly po maam