anong bansa ang nasa timog silangang asya

Sagot :

Answer:

bruh bruh bruh bruh bruh bruh bruh bruh bruh bruh bruh bruh

Explanation:

Answer:

ANONG BANSA ANG NASA TIMOG SILANGANG ASYA.

Ang sumusunod na mga bansa ay kabilang sa bumubuo ng Timog Silangang Asya ( South East Asian Countries).

1. Indonesia

2. Vietnam

3. Thailand

4. Malaysia

5. Singapore

6. Philippines

7. Cambodia

8. Laos

9. Myanmar

10. Brunei

11. East Timor

  • Ang Indonesia ay kilala bilang pinakamalaking nasyon na isla sa buong mundo na binubuo ng mahigit 7000 na mga isla. Ang pangunahing lungsod nito na Jakarta ay siya ring pinakamalaking siyudad nito.

  • Ang Vietnam ay ang bansang katawirang dagat (South China Sea) ng Pilipinas. Ito ay kasama sa Mainland ng kontinente ng Asya. Ang Hanoi ang pangunahing lungsod ng Vietnam.  

  • Ang bansang Thailand na dating tinatawag na Siam ay nasa pagitan ng Burma sa kanluran at Laos at Cambodia naman silangan nito. Ang hilagang bahagi  ito ay nakadikit sa Malaysia. Ang Bankok ang pangunahing siyudad ng Thailand.

  • Ang bansang Malaysia ay nahahati sa dalawang malaking bahagi, ang mga ito ay ang Peninsular Malaysia na nakakabit sa Thailand at East Malaysia na malapit sa Mindanao. Ang pangunahing lungsod nito na Kuala Lumpur ay isang modernong siyudad.
  • Ang maliit na nasyon na Singapore ay kasing laki lamang ng isang siyudad. Ito ay isang maunlad na bansa sa isla na nasa timog na bahagi ng Peninsular Malaysia.
  • Ang Pilipinas (Philippines) ay binubuo ng tatlong malalaking grupo ng isla (Luzon, Visayas, Mindanao) na nakahiwalay sa kontinente ng Asya. ito ay nasa kanlurang bahagi ng Dagat Pasipiko (Pacific Ocean). Ang Maynila (Manila) ang pangunahing lungsod ng bansa.

  • Ang Cambodia ay matatagpuan malapit sa Vietnam, Thailand, at Laos. ang bayan ng Phnom Penh ang pangunahing siyudad ng Cambodia.

  • Ang lokasyon ng bansang Laos ay napapagitnaan ng Vietnam at  Thailand sa kontinente ng Asya. Ang pinakamalaking lungsod nito na Vientiane ay siya ring pangunahing lungsod ng bansa.  

  • Ang Myanmar ay bansang nakaharap sa Bay of Bengal dahil ito ay malapit na sa Timog Asya. nakadikit ito sa mga bansang Thailand, Laos, China, India,  at Bangladesh. Pinamumunuan ito mula sa pangunahing lunsod nito na Naypyidaw.

  • Ang bansang Brunei ay nasa malaking isla ng Borneo kasama ang East Malaysia, at Indonesia. Ang pangunahing siyudad na Bandar Seri Bigawan ang kinalalagyan ng Sultan Omar Ali Saiffuddien Mosqua na nahahawig Taj Mahal pag dating sa ganda.

  • Ang paghiwalay ng East Timor (Timor-L este) sa bansang Indonesia noong taong 1999 ay dahilan upang ito ay maging isa sa pinakabatang nasyon sa mundo. Ito ay nasa hilaga ng bansang Australia kasama ang West Timor na bahagi pa rin ng Indonesia. Ang pangunahing lungsod nito ay ang Dili. Gaya ng Pilipinas, Malaking bahagi ng populasyon ng East Timor ay mga Katoliko.

HOPE IT HELPS!