Modyul 9: PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA GAWAIN 3: Pagbasa ng Maikling Kwento Panuto: Basahin ang kwento ni Miguel at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawin sa isang buong papel, shortlong bond paper o notebook Ang Mabuting Puso ni Miguel ni Renz Zafe Manago May isang batang lalake na ang pangalan ay Miguel. Isang araw habang siya ay naglalakad sa kalsada na dala-dala ang sako ng kalakal na pinulot ay may nakita siyang isang matandang lalake na nagugutom, nais niya itong bigyan ng pagkain ngunit siya man ay gutom din at wala ding makain kaya't muling naglakad si Miguel. Sa kanyang paglalakad ay may nakita siyang munting aso na nauuhaw dahil sa tindi ng sikat ng araw gusto man nya itong bigyan ng inumin at mapawi ang uhaw ng munting aso ngunit siya nin ay walang mainom at nauuhaw din. Sa gutom at uhaw ay patuloy na naglakad si Miguel at muli ay may nakita siyang isang matandang babae na naghahanap ng mga gamit na bote ng soda (plastic bottle) at tinanong niya kung saan niya ito gagamitin. Sagot ng matanda, ay gagamitin ng kanyang apo sa paaralan. Mula sa sinabing ito ng matanda ay agad na ibinigay ni Miguel ang kanyang mga kalakal na napulot sa matandang babae. Bilang pasasalamat binigyan siya nito ng pagkain at tubig. Pagkabigay ng matanda ng pagkain at tubig ay dagli-dagling binalikan ni Miguel ang matandang lalake at binigyan niya ito ng pagkain at pati ang aso ay kanya ring binalikan at pinainom ng tubig. Sa ginawang ito ni Miguel ay namutawi sa pisngi ang tuwa ng matandang lalake, pati na rin ang aso dahil sa pagkawag ng kanyang buntot. Isang araw habang naglalakad si Miguel ay nabangga ito ng sasakyan, tumilapon at nawalan ito ng malay at agad siyang tinakbuhan ng nakabanggang sasakyan. Ang pangyayaring ito ay nasaksihan ng munting aso na kanyang tinulungang mapawi ang uhaw. Mabilis ang takbo ng aso papunta sa kanya at kakawag-kawag angbuntot at nagtatahol ito ng malakas upang may makarinig at tumulong kay Miguel. Sa di kalayuan ay narinig ito ng matandang lalake na binigyan ni Miguel ng pagkain. Dali-dali itong lumapit binuhat siya at dinala sa malapit na ospital upang malapatan ng lunas. At nanggumaling ay nagpasalamat siya sa matandanglalake at sa munting asong tumulong sa kanya at nagpasalamat din ang matandang lalake sa pagtulong na ginawa sa kanya noong panahong gutom na gutom siya. Maging ang aso ay panay ang hampas ng buntot at paghalik kay Miguel tanda ng pasasalamat sa ginawa nitong kabutihan. Gabay na mga Tanong: 1 Ano-ano ang mga bagay o sitwasyon ang dapat ipagpasalamat ni Miguel? Magbigay ng tatlo (3). Iguhit ang mga hugis puso at isulat ang sagot sa loob nito. 2. Kung ikaw si Miguel, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Kung oo, bakit, at kung hindi bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Ikaw, paano mo ipapakita s pinapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? Alaybigay ng halimbawa​

Modyul 9 PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA GAWAIN 3 Pagbasa Ng Maikling Kwento Panuto Basahin Ang Kwento Ni Miguel At Pagkatapos Ay Sagutin Ang Mga Sum class=