PANGWAKAS NA PAGSUSULIT Unawaing mabuti ang bawat tanong o pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel o kuwaderno. 1. Ano ang tawag sa isang organisasyon o samahang namumuno at namamahala sa isang bansa? A. Estado B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Teritoryo 2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi tumutukoy sa pamahalaan? A. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga taong namumuno sa bansa. . B. Ang pamahalaan ay kabuoan ng kalupaan, katubigan, at kalawakang sakop ng bansa. C. Ang pamahalaan ay may mga ahensiyang namamahala sa mga likas na yaman ng bansa. D. Ang pamahalaan pamahalaan ay organisasyong nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.