Sagot :
Explanation:
brainly
ANSWER
1. Aralin 12Aralin 12 Mga Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya
2. Sa Larangan ng Literatura
3. Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag- ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.
4. Sa Larangan ng Pagpipinta o Sining Biswal
5. Ang sining, bagaman kadalasang tumutukoy ang salitang ito sa sining biswal, ay patuloy na nagbabago ang kaisipan na kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing kahulugan nito – tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at pagsusupling. Mula sa isang malawak na pagpapalagay, isang pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging malikhain, na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao katulad ng agham sa pamamagitan ng alkimiya, at relihiyon sa pamamagitan ng shamanismo. Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng mangkok na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na pagkamalikhain. Kabilang sa sining ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-pagganap, sayaw, musika, panulaan, prosa, at.
6. Ang Larangan ng Eskultura at Arkitektura
7. Ang arkitektura o agbarugan ay ang proseso at produkto ng pagplano, pagdisenyo,at pagtayo ng mga gusali at iba pang pisikal na istruktura. Ang mga gawang arkitektura sa materyal na anyo ng mga gusali ay madalas na kinikilala bilang simbolo ng kultura at gawa ng sining. Ang mga makasaysayang sibilisasyon ay malimit na nakikilala dahil sa kanilang mga arkitekturang nagawa na hanggang ngayon ay nakatayo pa. Ang salitang "arkitektura" ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan. Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon. Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-iiskedul, pag- tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.
8. Sayaw at Musika
9. Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy, at ito ay kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular na kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa panahon at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan.Isang mahalagang pagkakaiba ay mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw. Bagama't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging magkahiwalay; ang mga ito ay may espesyal na gamit, maski sosyal,seremonyal, pampaligsahan,sekswal,pang-militar at banal/maliturgiya. Ang ibang disiplina sa paggalaw ng tao ay paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad, kabilang ang martial arts,gymnastics, figure skating, synchronized swimming at marami pang ibang uri ng pampalakasan.
10. Sa Larangan ng Palakasan