A. Ang unang pahayag lamang ang sumusuporta sa main statement.
B. Ang pangalawang pahayag lamang ang sumusuporta sa main statement.
C. Ang dalawang pahayag ay pawang sumusuporta sa main statement.
D. Lahat ng pahayag ay hindi sumusuporta sa main statement.
1-2 Natalo ang Central powers at natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig nang lagdaan ang
Kasunduan sa Versailles noong Hunyo 28, 1919.
A. Ang kasunduang pangkapayapaan ay naging sanhi rin ng panibagong digmaan.
B. Nakasaad sa kasunduang ang pagbabayad ng Germany sa lahat ng nasira sa digmaan ng mga
bansang naaapektuhan at ang pagkuha sa mga bansa Poland at mga territoryo sa Africa, Asia, at
Pacific
3-4. Ang masidhing nasyonalismo at tensiyon sa politika sa magkakaratig na estado o bansa ay nagdulot
ng pagsiklab ng unang digmaan.
A. Nagiging agresibo ang mga mamamayan upang manakop at magpalawak ng kanilang sakop na
lupain.
B. Nagpatupad ang Austria ng mahigpit na polisiya laban sa bansang nanghihikayat ng nasyonalismo sa
mga pangkat-etniko na nakapaloob sa teritoryo, samantalang ang Serbia, na nagnanais magtayo ng
mas malaking bansa, ang isa sa mga naghihikayat ng nasyonalismo sa mga Serb at ibang mga Slav
sa Austria.
5-6. Sa kasunduang naganap sa London noong 1913, pinagkasunduan ng mga malalakas na bansa sa
Europa na panatilihing malaya ang Albania.
A. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng paglubha ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng Austria at
Serbia.
B. Nagtagumpay ang mga estadong Balkan at nakuha ang malaking bahagi ng teritoryo ng imperyong
Ottoman
7-8. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi lamang matatandaan dahil sa dami ng mga namatay na
tao at nasirang ari-arian.
A. Nagkawatak-watak ang imperyong Austria-Hungary dahil sa pagdeklara ng kasarinlan sa mga
sakop nitong lupain.
B. Nagdulot din ang Unang Digmaang Pandaigdig ng malawakang pagbabago sa mga lipunan.
ekonomiya, at pulitika sa Europa at sa ibang bahagi ng daigdig.
9-10. Nagdulot ang Unang Digmaang Pandaigdig ng malawakang pagbabago sa lipunan, ekonomiya,
at pulitika sa Europa at sa ibang bahagi ng daigdig.
A. Tumaas ang antas sa lipunan ng kababaihan at mga manggagawa sa Europa.
B. Ang digmaan ay nagdulot ng pagbaba ng ekonomiya at pagkabaon sa utang ng mga kalahok sa
digmaan, maliban sa Estados Unidos.