Answer:
Ayon kay Francisco Colayco, kailangan na mag-impok ang tao upang:
Mapaghandaan ang pagreretiro - hindi habang buhay ang pagtatrabaho na dapat nating gawin. Darating ang araw na magiging mahina ang ating katawan kung kaya't bago dumating ang panahon na iyon ay dapat napaghandaan na natin ito.
Makamit ang mga hangarin sa buhay - Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tayo nag-iimpok ay upang magamit natin ito sa pagkamit ng ating mga hangarin sa buhay - materyal na bagay man o hindi.
Maging proteksyon sa buhay - Ang pera ang siyang nagsisilbing seguridad ng tao sa hinaharap.