8. Ang ikalawang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nakapokus sa A. Pag-iimpok ng sambahayan at pamumuhunan ng bahay-kalakal B. pagkakaroon ng bukas na ekonomiya ng bansa. C. Pagbibigay ng mga serbisyong pampubliko. D. Pagkakaroon ng sistema ng pamilihan 9. Bakit maituturing na hindi orihinal na gawaing pang-ekonomiya ang pag-iimpok at pamumuhunan?. A. Nagkakaroon ng pagpaplano ang sambahayan at bahay-kalakal sa hinahaharap. B. Umaasa ang sambahayan at bahay-kalakal sa isa't-isa. C. Iniisip lamang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga tubo. D. Upang makita ang gastos at kita ng sambahayan at bahay -kalakal. 10. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan ng dahilan kung bakit ang una hanggang ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay maituturing na saradong ekonomiya maliban sa: A. Nakatuon lamang ang gawaing pang ekonomiya sa panloob na takbo ng ekonomiya sa bansa. B. Pagkakaroon ng mga gawaing pang-ekonomiya na sumasailalim sa pakikipagpalitan ng produkto sa mga dayuhang ekonomiya, C. Ang mga gawaing pang-ekonomiya ay domestik lam D. Walang pakikipag-ugnayan ang bansa sa mga dayuhang ekonomiya. 11. Sa modelong ito ay naipapakita ang dalawang paraan ng pagsukat ng pambansang ekonomiya. Una ay sa pamamagitan ng kabuang halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay- kalakal at ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. A, Unang modelo B. Ikalawang modelo C. Ikatlong modelo D. Ikaapat na modelo​