Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel
1. Ang mga bansang India at Pakistan ay naglaban dahl sa kanilang pagnanais na angkinin ang
teritoryong Kashmir. Ano ang epekto ng nasyonalismo sa sigalot na ito?
A. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang Kashmir
B. Nais ng dalawang bansa na patunayan ang kapangyarihan nila.
C. Umasa ang mga mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.
D. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United National Organization (UNO) sa
paglutas ng kanilang suliranin.
2. Isa sa layunin ng Pakistan ay magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Anong
pamamaraan ang kanilang ginawa upang matamo ito?
A. Itinatag ang All Indian National Congress
B. Nagkaroon ng Grand National Assembly
C. Pinamunuan ni Mohammed Ali Jinnah ang Muslim League.
D. Dumalo ang mga tao sa Pilgrimage sa Mecca
3. Noong 1947 nakamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain. Ito ay nahati sa dalawang estado,
ang kalakhang India at Pakistan, ano ang naging epekto nito sa katayuan ng bansa at sa mga
mamamayan?
A. Nahimok na mag-alsa ang mgaMuslim sa India.
B. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
C. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa.
D. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.
4. Ano ang naging bunga ng pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa kaisipan ng mga
Asyano?
A. Ito ay nag-udyok sa mga Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.
B. Nagtulak sa mga Asyano upang higit na ipaglaban ang kalayang minimithi
C. Tama ang a at b
D. Wala sa lahat
5. Paano sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pamamagitan ng protesta laban sa pamahalaan.
B. Pagnanais na magkaroon ng kalayaan o kasarinlan

C. Dahil sa pagpaslang sa duke ng Austria na si Francis Ferdinand.
D. Tama ang a at b