nagbibigay ng suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka brainly​

Sagot :

Answer:

CABANATUAN CITY– “Natupad din ang aking pangarap! Sa wakas, sa akin na ang sakahan! Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte sa titulong na ito, ”ani Paciano Vicente, na tuwang-tuwa matapos niyang matanggap ang kanyang certificate of landownership award (CLOA) mula kay Secretary John Castriciones ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Personal na ibinigay ni Castriciones ang CLOA kina Vicente at Bernardino Torillo, isa pang magsasakang benepisyaryo ng repormang agraryo, nang bisitahin niya ang mga ito sa kanilang mga bukid sa barangay Bakero sa lungsod na ito.

“Personal kong ibinigay ang mga CLOA na ito sa kanila upang bigyan sila ng pag-asa, upang ipaalam sa kanila na sa kabila ng kinakaharap na pandemya, ang gobyerno ay narito at handa silang bigyan ng tulong at suporta,” sabi ni Castriciones.

Sina Vicente at Torillo ay dalawa sa dalawanpung (20) agrarian reform beneficiaries (ARBs) na tumanggap ng kanilang CLOA mula sa Kalihim, ang natitira ay iginawad ang mga CLOA sa isang seremonya na ginanap noong Hulyo 7, sa munisipyo ng lungsod na ito.

Ang mga ipinamahaging lupain ay sumasakop sa labing-anim (16) na ektaryang lupang pang-agrikultura na matatagpuan sa Cabanatuan City, Bongabon at Gen. Natividad.

Si Vicente ay isang magsasaka ng palay na ang pangarap ay maging pag-aari ang lupaing sinasaka nilang mag-asawa sa loob ng ilang dekada na.

“Sa pamamagitan ng lupaing ito at iba sa iba pang mga proyektong iginawad ngayon sa amin, tiwala ako na ang kinabukasan ng aking pamilya ay giginhawa na. Inaasahan kong mas lalaki ang aming kita sa mga darating na taon,” aniya.

Ang 70 taong gulang na si Torillo, ay nagsabing masaya siya sapagkat mayroon na siyang maiiwan at maipapamana para sa kanyang mga anak.

“Ang mga CLOA ay unang hakbang patungo sa mas maraming suporta mula sa pamahalaan. Hindi namin alintana kung anong mga sitwasyon ang ating kinakaharap, pandemya o walang pandemya, susundin namin ang pambansang layunin ng Presidente na mapagbuti ang buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbuhos ng iba’t-ibang mga suportang serbisyo sa mga agrarian reform communities,” sabi ni Castriciones.

Sa nasabi ring pamamahagi ng CLOA, si Castriciones, kasama ang Undersecretary ng support services office na si Emily O. Padilla, ay namahagi rin ng suportang serbisyo para sa mga ARB na nagkakahalaga ng P 4.8 milyon.

Ang mga ibinahagi ay ang mga sumusunod: dalawang Kubota four-wheel drive, 35-horsepower Diesel tractors na kumpleto sa rotary tiller at trailer sa dalawang agrarian reform beneficiaries’ organization (ARBOs); tulong produksyon tulad ng mga binhi, mga seedling trays at mga abono na ibinigay sa dawampu’t-pitong (27) ARB; at negosyong pagpaparami ng itlog ng manok na ibinigay sa limang (5) kababaihang ARB.

“Ang mga probisyon na ito ay lubos na makabuluhan upang makamit ang seguridad sa pagkain sa bansa. Ang mga [suportang serbisyo] ito ay makakatulong sa mga magsasaka sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga frontliners sa pamamagitan ng patuloy na pagsasaka at paghahatid ng mga pananim na pagkain sa mga kritikal na lugar na apektado ng pandemya,” sabi ni Padilla.

Ang pagkakaloob ng mga suportang serbisyo ay ipinatutupad sa ilalim ng proyektong “The PaSSOver: ARBOld Move to Heal as One Deliverance of our ARBs from the Covid-19 Pandemic.”

Explanation:

sorry po kung masyadong mahaba di ko po kasi alam saan dyan isasagot