Sagot :
Ang heograpiyang pantao ay isa nga sa sangay ng heograpiya ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa kung paano namumuhay ang tao sa kanyang pisikal at kulturang kapaligiran.At iba pang aspetong tulad ng distribusyon ng populasyon at kalunsuran.
Saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ang mga sumusunod:
- Wika
- Relihiyon
- Ekonomiya
- Pamahalaan
Wika
alam nyo ba na ayon sa pag-aaral ay tinatayang merong mahigit 6800 ang wika na ginagamit sa kasalukuyan. Ang Mandarin, English, Spanish,Hindi, at Arabic ang mga wika na mayroong pinakamaraming gumagamit.
Relihiyon
Ayon parin sa pag aaral ay mayroon daw halos 82% ng populasyon sa ating daigdig ang kasapi ng isang relihiyon. at mayroon naman tayong 20 relihiyon sa daigdig na mahigit sa isang milyon ang kasapi. Ngunit gayon pa man ay may apat na pangunahing relihiyon tayo sa daigdig ito ay ang relihiyon ng Kristiyanismo, Islam, Hinduism, at Buddhism.
Ekonomiya
Sa Prinsipyong free market nakabatay ang pangkalahatang pandaigdigang ekonomiya na kung saan ang pagpapasya sa presyo, produksyon at distribusyon ng mga produkto ay nababatay sa malayang kompetisyon sa pamilihan.
Pamahalaan
sa ngayon ay tinatayang meron na tayong 200 malalayang estado sa ating daigdig na noon ay tinatayang 80 lamang simula ito noong matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang heograpiyang pisikal naman ay sangay na nakatuon sa pag-aaral ng ibat ibang katangian at proseso ng pisikal na daigdig tulad ng paggalaw ng hangin at tubig.
Ang Pisikal na Daigdig
- Ang daigdig ay matatagpuan sa Solar System
- Ang daigdig ay ikatlo sa walong planeta mula sa araw
- Ang mayroong natural satellite walang iba kundi ang buwan
3 Pangunahing bahagi ng daigdig
- Crust - ito ang pinakamanipis at pinakalabas na bahagi ng daigdig
- Mantle- Ito ang makapal at mainit na layer ng semi-solar na bata na nagtataglay ng kapal na 2900 km.
- Core - ito ay nagtataglay ng dalawang bahagi ang Outer Core- 2200 ang kapal at binubuo ng tunaw na bato samantalang ang Inner Core naman ay solido at may kapal na 1250 km.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
pagkakaiba ng heograpiya pantao sa pisikal na heograpiya https://brainly.ph/question/25686
ano ang heograpiya, heograpiya sa asya https://brainly.ph/question/126990
kahulugan ng heograpiya https://brainly.ph/question/320469