Sagot :
Ang tunggalian na isinasaad sa akdang " Anekdota ni Mulla Nassreddin" ay nang maimbitahan si Mulla na magbigay ng isang talumpati. Bago siya nagbigay sa kanyang talumpati, tinanong niya ang mga panauhin kung alam ba nila ang sasabihin niya. Sumagot ng"hindi" ang mga tao at siya'y umalis dahil wala siyang panahong magsalita sa harap ng mga taong hindi alam ang sasabihin niya. Ganun din ang ginawa niya ng sagutin siya ng tao ng "oo" dahil alam na ng mga tao ang sasabihin niya, hindi na siya mag aaksaya pa ng oras sa pagsasalita. Sa pangatlong pagkakataon, tulad ng noong unang araw at pangalawang araw, parehong tanong ang ibinato niya sa madla. Sa pagkakataong ito, nahati ang sagot ng tao may "oo", may "hindi". Dahil sa pagkahati-hati ng sagot ito ang kanyang wika: "Sa mga taong hindi alam ang sasabihin ko, magtanong kayo sa iba na sumagot ng "OO".