ano po ang ibig sabihin ng   matalino man ang matsing napaglalangan dn?????

Sagot :

"Matalino man ang matsing napaglalamangan din."

- ito ay isang salawikain o proverb. 
Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan.

- ang ibig sabihin nito ay "Gaano man katalino ang isang tao, naiisahan pa rin ito".  Pinapahiwatig na ang talino ay limitado rin.

- ito ay hinuha mula sa kwentong "Ang Pagong at ang Matsing"