Ang lahi ay tumutukoy sa mga lupon o grupo ng mga tao na pinagbubuklod batay sa mga anyong pisikal, ninuno, genetics, ugnayang panlipunan sa kapwa at sa ibang kapwa. Unang ginamit ang salitang lahi o race bilang pantukoy sa mga taong mayroong iisang wika at bansa. Noon ika-17 siglo, ang salitang lahi ay tumutukoy narin sa anyong pisikal ng mga tao. Noong ika-19 siglo, ang lahi ay tumutukoy narin sa genetic compositions na mga tao na nabibilang sa isang grupo o angkan.