Mga namumuno sa lungsod o bayan

Sagot :

Ang mga bayan ay pinamumunuan ng Alkalde (minsan tinatawag ding Punongbayan o Mayor sa Ingles) bilang Opisyal ng Ehekutibo. Ang Lehislatura ay binubuo ng Bise Alkalde at walong konsehal (kagawad). Ang walong konsehal, at ang Pangulo ng Sangguniang Kabataan(SK) at ang Pangulo ng Liga, ay ang bumubuo sa Sangguniang Bayan. Lahat sila ay mga inihalal na opisyal at nagsisilbi ng 3 taon termino at hindi lalabis sa 3 sunod-sunod na termino. Ang Bise Alkalde naman ang namumuno sa lehislatura, pero hindi maaaring bumoto maliban na lang kung patas.