KALAMIDAD O SAKUNA
Gawain 2: Anong paghahanda ang gagawin mo sa mga kalamidad o sakuna na nakatala sa ibaba. Sumulat ng tatlong pamamaraan sa bawat letra. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Sagot:
A. Lindol
- Habang lumilindol sa ating pamayanan, protektahan ang ating ulo sa pamamagitan ng pagyuko.
- Maghanap ng matibay na kagamitan katulad ng mesa na maaaring pagtaguan.
- Maging maingat, alisto at mapagmatiyag rin sa mga bagay na mahuhulog upang ikaw ay maging ligtas.
B. Sunog
- Kung ikaw ay nasa loob ng nasusunog na bahay, maaaring takpan ang iyong ilong upang hindi mahilo sa dala ng usok ng apoy.
- Maaaring tawagan ang mga bombero upang hindi kumalat ang apoy.
- Maaari mo rin silang tulungan sa pagpigil ng apoy.
C. Baha
- Kung binabaha sa inyong lugar, maaaring maghanap ng mataas na lugar kagaya sa bubòng kung pinapasok na ng tubig ang lugar.
- Huwag lumusong kung walang bota sa baha dahil maaari tayong magkaimpeksyon lalo na kung may ihi ng daga ang tubig-baha.
- Kung kayo ay lilikas na, maaari niyong sundin ang mga patakaran o tagubilin ng mga awtoridad.
Sana'y makatulong sa'yo ang aking sagot!
#CarryOnLearning ☁️