Panuto: A. Isulat kung TAMA O MALI ang ipinapahayag ng mga pangungusap sa ibaba. 1. Ang bagong pamamaraan ng paglilimbag ay sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas sa ipnintang bagay. 2. Ang sining ng paglilimbag ay nagsimula sa bansang Africa dantaon na ang nakalipas kung saan ginamit nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng pag- tala ng kasaysayan ng kanilang bansa. 3. Ang drypoint ay gumagamit ng isang imahe ( incised sa isang plato o matrix ) na may Matulis na karayom ng matalim na metal point upang makabuo ng disenyo. 4. Ang lithography ay isang salita para sa pinagsamang salita ng ibat-ibang uri ng pamamaraan ng printing na: engraving, etching, drypoint at aquatint. 5. Ang paglilimbag ay paglilipat ng larawang iginuhit at inukit na maaaring ginawa sa kahoy, goma, metal at iba pa. 6. Ang linocut ay kadalasang tinatawag na linoleum art kung saan gumagamit isang piraso ng linoleum upang makabuo ng disenyo mula sa ibabaw nito. 7. Ang monoprinting ay isang uri ng paglilimbag kung saan iisa ang uri o nata- tangi ang bawat malilikhang larawan. 8. Ang monoprinting ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay o pagdaragdag ng tinta o pagtatanggal o pagbabawas ng tinta sa malinis na plate na karaniwang metal o salamin. 9. Ang Asya, Europa, at Africa ay kabilang sa nagpakilala at nagpasikat sa sining ng paglilimbag. 10. Ang Ukiyo-e ng bansang Hapon ay larawang nilimbag na nagpapakita ng pang araw-araw na Gawain at larawan ng buhay.​