Ang kahalagahan ng ponemang suprasegmental sa ating pang araw-araw na pakikipag komunikasyon ay ito ang tumutulong sa atin upang magkaintindihan ng ayos. Alam naman nating madaming salita na may parehong spelling ngunit may magkaibang kahulugan, sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental natutulungan tayo kung pano dapat natin ito bigkasin upang hindi magkalito lito. Sa tamang tono, punto, diin at haba malalaman natin kung ano nga ba ang nais ipahayag ng isang tao, kaya ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa ponemang suprasegmental ay napakahalaga. Ang mga positibong epekto ng pag gamit nito ay makaka tulong ito sa atin upang maipahayag natin ang nais nating sabihin sa isang tao na may tamang damdamin at tono kaya kinailangan natin ito gamitin palagi, kapag hindi natin ito gagamitin tayoo rin ang mahihirapan.